Hi! Kamusta? May gusto lang akong i-share sa’yo na pag-uusap
namin ng isa kong prospect.
Sabi kasi nya sa ino-offer ko dapat daw “Ang mga learnings o
trainings ay hindi dapat binabayaran, dapat libre lang yan!”
Unang pumasok kaagad sa isip ko, badtrip yun ahh…
Kasi ako mismo gumagastos at nag-iinvest ako para sa mga
trainings.
At ang isa sa mga business ko ay selling of information
products.
Hindi naman talaga dapat bayaran – Sa totoo lang lahat naman
ng bagay sa mundo ay libre.
Tubig libre lang yan, hanap ka ng ilog o lawa makakakuha ka
na ng libreng tubig.
Pero bakit tayo bumubili ng tubig sa bote?
Because we pay for the REFINEMENT and CONVENIENCE.
Wala tayong oras para humanap at magpunta sa mga malilinis
na ilog para lang kumuha ng tubig na maiinom.
MAS MADALI kung bibili ka na lang nung nasa bote o nasa
container.
Pagkain? Hindi mo magbayad para dyan. Mangisda ka, magtanim
ka, eh di libre na ang pagkain mo.
Pero bakit tayo gumagastos ng malaking pera araw-araw sa
pagkain?
Sino ba naman ang may oras para mangisda? Sino ang may oras
para aralin ang magsaka? Sino ang may oras para aralin at gawin ang pagtatanim
at mag alaga ng mga gulay, etc.
Gumagastos tayo sa pagkain dahil sa REFINEMENT at
CONVENIENCE!
Mas madali na bumili na lang ng pagkain na ready ng iluto.
At MAS MADALING bumili ng pagkain na luto na at kakainin mo
na lang.
Knowledge and information, yes maaaring makuha mo rin yan ng
libre. Pwedeng sa internet o sa libre, etc.
Pero hindi lahat ng information ay makukuha mo ng madali o
ng libre.
Dahil may mga knowledge na kakaunting tao lang ang
nakakaalam.
Meron ding mga knowledge na matutunan at maiintindihan mo
lang kung ituturo sa’yo ng step by step.
System? Yes pwede kang gumawa ng sarili mo (Pero hindi ka
makakaligtas sa mga expenses- meron talaga nyan)
Aabutin ka lang naman ng 2-3 years of searching, reading and
analyzing, testing kung gagawin mo yan ng mag isa from scratch. Aabutin ka ng
maraming taon para lang kumita ka sa internet sa legal at ethical na paraan.
Kung gusto mo ng option na ganun. Well goodluck na lang!
Ano ang ino-offer ng Ignition Marketing sa mga tao?
The Co-founders of Ignition Marketing |
Simple lang…. pinagsama sama ng tatlo kong mentor ang mga
natutunan nila mula sa mga naging experience nila sa sales and marketing
experiences.
Hinimay-himay nila ang mga natutunan nila para i-share ito
sa mga kapwa nating mga Pilipino. Ibinigay nila yung mga importanteng knowledge
at step by step strategies na makaka pagbigay sa kanila ng mabilisang resulta.
Para hindi na nila kaylangang mapagod at mag aksaya ng
mahabang panahon para lang hanapin ang mga information na yun.
We are offering people REFINEMENT and CONVENIENCE.
Para din ito sa mga taong gustong magkaroon ng online
business pero hanggang ngayon ay naghahanap pa din sila ng solusyon kung paano
nila sisimulan ang negosyo nila online.
Para to sa mga taong naghahanap ng leader o mentor nila para
ma guide sila ng tama sa business nila.
Para ‘to sa mga taong kinukulangan pa din ng kita para
mabigyan nila ng magandang lifestyle ang pamilya nila.
Once again, we are offering REFINEMENT and CONVENIENCE.
Kaya naniniwala ako na kung gusto mo ring mas mapabilis ang
pagkakaroon mo ng success, kaylangan mo ring mag-invest sa mga trainings.
Pagkatapos, i-apply mo kagad lahat ng mga matututunan mo sa
business mo.
PS- Anong masasabi mo sa topic na ‘to? May natutunan ka ba?
Make sure to click Like and Put your comments below…
Your Partner in Success,
Christian Guzman
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento