Martes, Agosto 18, 2015

4 Wierd Tips To Make Your Dreams A Reality

Magandang buhay! Kamusta ka Friend? I hope na ok ka lang. Gusto ko lang i-share sa'yo itong blogpost kong ito na naituro sa akin ng Mentor ko.

"Paano ko ba makukuha ang pangarap ko?"

Ito yung naituro sa akin ng Mentor ko at ito din ang kaylangan mong gawin:

1. You Need To Obsessed  About Your Dreams

Kaylangan maging obsesses ka na makuha mo yung pangarap mo. Hindi pwede na gusto mo lang dapat may dahilan ka kung bakit mo to ginagawa.

Kaylangan maging "Pabebe" ka. Oo, tama ang narinig mo. Kaylangan hindi ka mapipigilan sa pagkuha ng pangarap mo.

Tipong nagpupumiglas ka maabot mo lang yung pangarap mo.

Sa sobrang pagka obsesses mo, alam mo sa sarili mo kung ano yung eksaktong dahilan bakit mo gustong makuha ang pangarap mo.

2. Combine This Two Motivational Styles

Merong dalawang klaseng motivation na magtutulak sa'yo papunta sa mga pangarap mo:

Una yung tinatawag na "Away Motivational Style"

Si Henry Sy ay very successful person at pinaka mayamang tao sa Pilipinas ayon sa Forbes magazine. Naging mayaman sya dahil ayaw na nya balikan ang buhay ng mahirap.

Ang naging motivation nya ay lumayo sa circumstances na ayaw nyang maranasan.

Gawin nating halimbawa ay ikaw. Ano nga ba yung dahilan mo bakit ka nag nenegosyo?

Malamang ang isasagot mo dahil gusto mong makatulong sa pamilya mo at mabigyan mo ng magandang lifestyle ang pamilya mo.

Ngayon, ano yung gagawin mong paraan para maka ahon kayo sa hirap ng buhay?

Your motivation is your desire to get AWAY from what you don't like.

Kaso may problema sa motivational style na ito.

Maaring maka alis ka sa circumstances na ayaw mo, pero maaari ka ding ma-stuck dito.

Wala na kasing mag momotivate sa'yo papunta sa next level.

Pwedeng ma-blanko ka at hindi mo na alam ang next goal mo, o kung ano yung next purpose mo.

Yung pangalawang motivational style ay ang "Towards Motivation Style"...

Ito yung mangangarap ka ng mas malaki.

Si Henry Sy ay naging mas-successful dahil sa kanyang bigger purpsose. Maaaring gusto nyang makatulong at makapg lingkod sa maraming tao.

Si Manny Pacquiao ay naging champion sa larangan ng boxing dahil sa desire nya nag maging pinaka magaling na boksingero sa mundo.

This time, your motivation is your desire TOWARDS where or what you want to be.

Para sa akin, kaylangan mong pagsamahin ang dalawang motivatinal style na ito kung gusto mong ma reach yung highest potential mo as an entrepreneur.

"Away Motivational Style" ang una mong magiging motivation para baguhin ang current lifestyle mo.

At yung "Towards Motivational Style", ang magtutulak sa'yo papunta sa mas mataas na level.

3. Don't Listen To Negative People

Nagtanong ang Nanay ko sa akin, kung ano daw ba ang pangarap ko sa buhay.

Ang sabi ko... "plano kong mabago ang lifestyle natin at makapag pundar ng bahay at kotse at mapuntahan ang bawat sulok ng mundo"

Sabi nya sa akin... "Ikaw makakapag patayo ng bahay at makakapag pundar ng kotse? Eh hindi ka nga kumikilos?"

Sagot ko na lang... "Basta"

Tapos, tinawanan nya ko.

In other words, hindi sya naniniwala sa akin.

Pero ang totoo, malapit ko ng anihin ang lahat ng naitanim ko. Dadating ang panahon na pipitasin ko na lang isa isa ang mga iyon.

Sa buhay mo maraming tao ang hindi maniniwala sa'yo.

Tulad na lang ng magulang mo o kaya mga kaibigan mo.

Yung iba kokontrahin ka pa. Yung iba ide-demotivate ka, sasabihan ka na hindi mo kaya.

I challenge you to prove them all wrong.

At pasalamatan mo sila in the future, ng dahil sa kanila mas na push ka na kuhain ang mga pangarap mo.

4. Shut Up and Do it

Ayon sa Mentor/Coach na si Mr. E. Reformina, may isang katangian na nagse-separate dun sa mga nagiging successful at dun sa mga nagfe-failed.

Yung mga nagfe-failed ang bukang bibig ay.... "EH KASI"

Lagi nilang paliwanag kung bakit wala silang resulta ay ang mga ito....

"Eh kasi wala akong time mag-market!"

"Eh kasi wala akong budget sa ads!"

"Eh kasi wala akong maka usap na prospect!"

"Eh kasi hindi maganda yung products!"

"Eh kasi walang nagtuturo sa'kin!"

"Eh kasi wala akong blog!"

Kulang na lang sabihin nila... "Eh kasi bata"

Yung mga nagiging successful naman.

Ang taas ng tiwala nila sa sarili nila.

Gusto ko lang sabihin sa'yo ay kaylangan maging palaban ka at may tiwala sa sarili mo na kaya mo.

Paano ka paniniwalaan ng ibang tao kung ikaw mismo sa sarili mo, hindi mo magawang maniwala sa kakayanan at abilidad mo. 

It all start with you.

Pano mo magagawang tumaas ang bilib mo sa sarili mo?

Be consistent sa pag aaral ng mga bagong knowledge at skills.

Be consistent sa pag basa ng mga libro, panonood ng mga training videos na magbibigay ng knowledge at skills sa'yo para maging successful ka.

Kung nabasa mo na ang lahat ng meron kang training books o ebooks o kahit anong training videos na meron ka. I suggest na ulit ulitin mo ito dahil may mapupulot ka na namang new learnings galing dito.

Tandaan mo repitition is the key to master all things.

Be consistent sa pag take ng action at sa pag kuha ng results. Kahit small results lang sa simula.

Once kasi na nagkaroon ka ng resulta kahit maliliit man ito at paunti unti. Ito ang magpapatibay na may tiwala ka sa sarili mo.

Hanggang sa dumating yung point na feeling mo ikaw na si Superman at feeling mo na kaya mong ma-achieve ang kahit ano.

Kwento ko lang yung naranasan ko noong nag sisimula pa lang din ako. Nagsimula din ako sa wala. As in empty knowledge sa pag market online.

Naranasan ko ang iba't ibang rejections, frustrations at failure.

Pero hindi naging option sa akin ang lahat ng yan.

Itong shinare ko sa'yo sa blog na ito ang tumulong sa akin para makuha ko ng paunti-unti ang mga pangarap ko.

Anyone can achieve anything in life.

Kaya mong makuha ang kahit anong pinapangarap mo sa buhay.

Hindi importante kung sang estado ka nang galing o kung ano man.

Isa akong HRM graduate, may alam man ako bilang entrepreneur pero wala kong background sa pag kakaroon ng business at galing sa hirap.

YOU can create success for yourself as long as you have a strong belief in yourself, as long as you are willing to work HARD for it and as long as you have faith in God that he will provide.

I wish you great guidance from above.

I wish you great success in your business.

And I wish na makuha mo ang pangarap mo.

I believe and trust in you my friend.

Alam ko na makukuha mo yung mga pangarap mo kasi may tiwala ka at naniniwala ka sa sarili mong kakayanan.

Just stop complaining and start doing it. 

Go make your dreams a reality!

P.S. - May napulot ka bang valuable info dito sa blog post ko? Kung meron maaari mo itong i-share sa iba tulad ng ginawa ng mentor ko. Pwede ka ding mag iwan ng iyong komento sa ibaba kung ano yung aral na napulot.

P.P.S. -Kung part ka ng aming Ignition Marketing Team, make sure na ipabasa mo ang post na 'to sa mga partners natin.

Until next time!

Your Friend To Success,

Christian Guzman








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs); }(document, 'script', 'facebook-jssdk'));script>