Linggo, Hulyo 5, 2015

5 Paraan Kung Papaano maging Kapakipakinabang ang Araw Mo

Hi! Kamusta?

I hope na ok ka lang kahit maulan ngayong araw na ito. I hope na nasa ligtas kang lugar kahit na nakararanas tayo ng masamang panahon.

Gusto ko lang sa'yo i-share itong nabasa kong article kung paano mo gagawing kapakipakinabang ang araw mo kahit na nakararanas tayo ng masamang panahon. 

Alam mo ba na ang taong masinop sa kanyang oras ay kayang tapusin lahat ng gawain bago pa matapos ang araw? Ito ay isang patunay lamang na ang taong yon ay matalino sa pag hawak ng kanyang oras.

Here are a few ideas on how to startup your day and get more work done early.

1. Eat a healthy breakfast.
Ikaw ba kumakain ka ng almusal? Kung hindi ka kumakain ng almusal. Simulan mo na ngayon. Alam mo ba na ang almusal ay ang pinaka importante para masimulan mo ang araw mo ng maayos at kapakipakinabang? Oo tama ang narinig mo. Hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo kung gutom ka. Tama ba? Importante sa umaga ang pagkain ng masusustansyang pagkain gaya ng itlog na mayaman sa protina para maging malakas ka sa pagharap ng mga gawain at matapos mo ito ng maaga.

2. Finish one task right away
Gaano man kaliit o kalaki yang trabaho kelangan maging focus ka sa isang gawain para matapos mo ito kaagad. Kung baga ito ang magiging warm up mo sa pagtapos ng mga gawain mo. Huwag kang mag uumpisa sa isa pang trabaho kung alam mong may iniwan kang hindi mo pa natatapos.

3. Kill the bad Attitude early
May mga tao kasi na kapag alam nilang marami na naman silang trabaho. Feel nila stress agad sila, overload sila at feel nila hindi nila kayang tapusin ito. Yan ang bad attitude na kelangan mong baguhin kung gusto mo talagang matapos kaagad ang trabaho mo. Ito yung iwasan mong ugali kung gusto mong maging productive ang araw mo.

4. Never read a news site more than once
Walang masama kung mahilig kang mag basa ng dyaryo o newspaper sa umaga. Huwag mo nga lang itong sosobrahan. Sapat na ang magbasa ng isang artikulo sa dyaryo pero kung magbabasa ka pa muli madaming oras na ang masasayang para maging productive ka at matapos mo ang gawain mo sa buong araw.

5. Don't let your phone distracted you 
Kung gusto mo talagang maging productive ang araw mo gawin mo tong pang lima. Maraming distraction sa paligid isa na dyan ang ating mga cellphone o smartphones. Wala namang masama kung gamitin natin ito basta nasa tamang oras at kung emergency talaga. Maaari mong ilagay sa vibrate mode and cellphone mo para matapos mo ang gawain mo sa buong araw. 

PS- Sana ay may natutunan ka sa isinulat ko kung paano magiging productive sa buong araw. Maari mo tong ibahagi sa iba para maging kapakipakinabang din ang araw nila. Kung may komento ka feel free to leave comments below. 

Gusto mo talagang maging productive ang araw mo?

Like me on facebook

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs); }(document, 'script', 'facebook-jssdk'));script>