Sabado, Hulyo 4, 2015

Stepping-Stone For Success

Hi guys! Share ko lang sa inyo itong nabasa ko tungkol sa kung paano ninyo maabot ang mga pangarap ninyo sa buhay.
Marami ang nagtataka sa atin kung paano nga ba naaabot ng mga successful person tulad nila Henry Sy na sikat sa kanyang negosyong department store at supermarket ang tagumpay na natatamasa nya ngayon. Marami sa atin ang naiingit at minsan hindi natin pansin kung ano yung mga pinagdaanan nila sa buhay bago nila na achieve ang ganong rurok ng tagumpay sa kanilang buhay. Sabi nga nila huwag kang maingit o ikumpara ang buhay mo sa kung ano man ang meron sila na naabot nila sa buhay dahil hindi mo naman alam kung ano yong pinag daanan nila sa buhay bago nila maabot ito.

Simple lang naman talaga kung paano nila naabot ang rurok ng tagumpay yun ay dahil maraming beses silang sumablay sa buhay. Sablay o failure na kung saan doon sila naging matatag at mas lalo nilang ginalingan para maging successful sa kanilang career.

Si Thomas Edison ay isang sikat na imbentor at businessman sa Amerika. Ang dami at malaki ang kanyang naiambag sa mundo at sa mga pang araw araw nating ginagawa. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay sa buhay ay may natuklasan sya.


"I have not Failed. I've just found 10,000 ways that won't work." Diba ang talino nya? Instead of taking FAILURE as negative, ginawa nyang positibo ang pagkakaroon ng failure sa buhay. 

Tanong, ilang beses ka na bang nag fail sa buhay mo? Ilang beses ka na bang natumba at hindi na muling bumangon? Ilang beses mo ng na realize na mali na pala ang ginagawa mo at kailangan ma na itong baguhin? 

Guys, gusto kong ibalik sa inyo yung fighting spirit noong mga bata pa tayo na nagsisimula pa tayong maglakad. Sa paglalakad natin, ilang beses ba tayong natumba at muling bumangon para matuto tayong maglakad? Diba, napakaraming beses? Pero tumatayo pa din tayo kahit mag kanda sugat sugat ang mga tuhod natin. Gusto kong ibalik yung fighting spirit na yon sa'yo para ma i-apply mo ngayon sa ginagawa mong career.

Napaka simple lang naman talaga kung papaano mo mararating ang mga pangarap mo sa buhay eh. Oo libreng mangarap pero wag lang puro pangarap. Kelangan mong lumabas sa comfort zone mo at mag fail. Tuklasin mo ang mga bagay na makakatulong sa'yo para maabot mo ang pangarap mo sa buhay. Fail early, fail often, but always fail forward. Turn your mistakes into stepping-stone for succes.

PS: Kung may natutunan ka sa blog na ito click share and like. You can leave comments also. Feel free to browse. :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs); }(document, 'script', 'facebook-jssdk'));script>